totoo
bakit kelangan magpaasakit ng damdamin para sa kung ano ang sinasabing 'tama'? ano ang tama? ano ang totoo?
paano kung wala lang talagang saysay ang mundo? paano kung patungo lang sa katangahan at kawalan ang lahat? paano kung di ko pala kelangang masaktan para dito? pano kung pala natin kelangan magpigil para sa wala lang?
pano kung pwede pala tayo?
pano?
bakit may kalungkutan? bakit hindi tunay na kasiyahan ang laging nananalo? bakit kelangan masaktan?
bakit hindi pwede? bakit hanggang dito na lang?
pero..
bakit, bakit nga ba nagtatanong pa ako? matagal na akong binigyan ng kasagutan.. ayaw lang tanggapin ng di-makaintindi kong utak.. ipinagpipilitan ang di maaari..
dati.. isa akong nilalang na walang pake.. sa kahit ano.. sa kahit anong mangyayari.. walang hinaharap para sa akin.. hindi makikita nag hinaharap.. walang hinaharap.. isang malaking tanga, pero sinong may pake? sa tinawag kong kalayaang yon ay naging masaya ako. sa tinawag kong kalayaang yon ay hindi ako labis na nasasaktan.. walang harang. walang kahit ano. pero, lagi rin akong hindi kumpleto.
ano ang tunay na katotohanan? ano ang katotohanan na totoo para sa lahat? ano?
bata, nasaan ang pananalig mo?
pero kahit wag ka na lang bumalik.. basta ba maabot mo ang tunay na kasiyahan..
nasasaktan ako, at isa yong katothanan para sa kin. naiipit ako, at isa yong katotohanan para sa akin. ninanais ko ang iyong pagbabalik, isa itong katotohanan para sa akin.
pero kahit wag ka na lang bumalik.. basta ba maabot mo ang tunay na kasiyahan..
-+reish.31aug05.