plawerr
October 25, 2002.
Late ako sa klase. Pagdating ko sa arm chair ko, may birthday card at red rose.
Galing sa kanya.
Happy birthday daw.
+ + +
Naaalala ko pa dati, nakaupo't nilalamok na kami nun sa isang sulok sa front lobby. Tumutugtog ng gitara, kumakanta-kanta.
Biglang may isang grupo ng kalalakihan na dumating. Nagkaantaha't tumutugtog din sila. Bigla nilang kinanta yung 'Harana' ng PNE at inabutan yung girlfriend ko ng rosas na kulay rosas.
Nagulat sya, na-conscious.
Nagselos ako? Hindi ah. Natawa pa nga ako't ngumiti na lang. Alam ko naman kasi na ako ang mahal niya.
Umalis na rin sila.
"Uh. Friends ko."
"Alam ko." Tapos nginitian ko siya. Naaliw naman ako.
Kumanta siya bigla ng "With a Smile" ng Eraserheads. Mula nang tumapak ang Marso, lagi na niyang kinakanta yan. Magkakahiwalay na kasi kami.
Tapos binigay niya sa kin yung rosas na kulay rosas. Di lang naman kasi lalaki ang pwedeng magbigay ng bulaklak diba? Di ko man maisip kung dapat ko ba yung kunin, kinuha ko na rin. Tinago ko.
Wala na kami ngayon pero naaalala ko pa.
+ + +
Prom nun. Inask ko sya kahit di ako yung lalaki.
Ano naman ngayon?
Sabi ko violet yung gown ko.
Binigyan niya ako ng puting bulaklak na may violet na ribbon. Ako, walang mahanap na violet flower so blue na rose na lang ang binigay ko.
Nakasabit pa rin sa dingding ng kwarto ko yung puting bulaklak na may violet ribbon.
Oo, hanggang ngayon.
+ + +
Valentines nun. Nakasalubong ko siya sa harap ng caf. Niloko ko naman.
"O, nasa'n flowers ko?"
"Gusto mo?"
"Syempre. Gusto ko yung rose ha. Yung itim."
"Itim?!"
"Oo, di pa kasi ako nakakakita nun e."
"Shet. Saan ako hahanap ng itim na rosas?" Bulong niya (pero malakas) sa sarili.
"Oy! Joke lang. No pressure. Wag na."
Kinabukasan binigyan niya ko ng pulang rosas na pinilit i-dye ng itim. Mukhang namamatay na bulaklak na yun, pero ayos lang.
Natuwa ako.
Salamat sa effort.
+ + +
Pumitas siya ng isang dahon mula sa halaman sa harap ng bahay ng bestfriend ko. Ang tagal kasing buksan yung gate.
Tapos pumitas pa siya ng isa.
"Wag mo ngang ubusin yung dahon nila!"
At pumitas pa ng isa ang makulit na nilalang. Tsaka niya binigay sa kin.
"Teka, tinatago mo ba yung mga binibigayko sa yo?"
"Alin, yung mga petals na pinupulot mo kung saan, yung mga bulaklak na pinipitas mo mula sa stage?"
Nginitian nya na naman ako. Yun yung ngiti na gustung-gusto kong nakikita lagi. Nako, pa-cute na namn to. Nakakatakot.
"Ay? Dapat ko bang itago?" Tsaka ko sinilid sa bag yung mga dahon.
Syempre tinatago ko. Ano ba namang klaseng tanong yun.
+ + +
Pulang rosas para sa pag-ibig
Puting rosas para sa pagmamahal
Kulay rosas Pink (na nga!) para sa love
Anong pinagkaiba?
Kahit dahon pa.
+ + +
Alam kong nagkamali ako ng biro nun.
At nag-sorry na ko, pero mukha pa rin siyang galit.
Tumakbo pa ko sa field nun para kumuha ng bulaklak. At para magsorry ulit.
Nilagay ko sa harap niya yung mga bulaklak.
"Sorry na."
"Hindi ako galit." Naiiyak niyang sabi.
"Sorry na."
"Hindi nga ako galit."
Napahiya naman ako.
"Kukunin mo ba to?", tinuro ko yung mga korni kong pinitas.
Umiling siya.
Tumalikod na lang ako. At naluha.
"Sorry na nga."
+ + +
Disclaimer: eh. naalala ko lang. hindi connected sa romantic love ang lahat ng ito.
R02apr07.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home