dreaming insomniac

WARNING: insomniac awake and dreaming.

20.4.06

para sa unan

namimiss kita. ewan ko kung binabasa mo to, pero bahala na. namimiss kita. at gusto ko lang sabihin.

sana meron din akong happiness-bringing powers.. how come kahit wala akong sinasabi may nagagawa kang paraan para matulungan ako?

isang ngiti..

salamat. :)

kausapin mo naman ako pag balik mo. nung huling beses pakiramdam ko nakatabi lang kita sa jeep tapos bumaba rin kaagad.. di ko pa nga nabigay yung xmas gift ko dahil may kasama ka naman..

pero salamat. :) isang malaking salamat..

.ako, sino pa? ^^

17.4.06

insanity

pag napakinggan ko na ang tulog na at iba pang kinakanta nya noon nang hindi napapatigil dahil may alaalang binabalikan, dun ko malalaman na nakawala na ako sa sarili kong bitag.

someday.

sana malapit na..

.reish

2.4.06

oh hail, insomnia.

grabe. kakain na lang ako ng tsokolateng unan bago matulog para mamatay sandali ang mood swing. teka, so di mamamatay ang mood swing kung sandali lang. maghahibernate lang yun. ohwell. ayos na rin, para makatulog na ako.

lately lagi na lang akong natutulog ng past 1, 2 3, 4, umaabot pa nga ng 5 am. eh di sana di na lang ako natulog. isang oras na lang, humigit kumulang, eh sunrise na. at least masasksihan ko ang pagsikat ng araw, kahit na ba hindi naman talaga lumulubog o sumisikat ang araw, nagrorotate lang kasi tayo. pesteng illusion.

haha. tama ba namang pati rotation ng earth eh pag-initan? nerdong patalo. this is what pisay has made me. haha. labo. joke lang, pisay. game, tumawa ka na.

freaky yun.

obvious bang bangag na ko? its damn 2am. inaantok na yung mata ko pero parang on the go pa rin ang utak ko. plus the fingers, duh, obvious ba, di nga makatigil magtype eh. alam nyo ba yung feeling na nakapikit ka pero hindi ka makatulog kahit anong pilit dahil parang yung utak mo ay marami pang thoughts na iniisip? ganun lagi ang nangyayari sa akin. lets call it insomnia, dahil inaabot ako ng at least an hour sa bawat beses na pilitin kong makatulog at nakapikit na the whole time. bad trip lang, pag success ang pagpilit ko sa sistema kong makatulog, pagka-gising ko sa umaga, ang pakiramdam ko ay para bang di ako natulog. yehey. tulog na nga lang, deprived ka pa.

naisip ko na yung gagawin ko tungkol sa problema ko sa loneliness blah. pero di ko na lang sasabihin dito. basta, ok na yun, maipapasa ko na ang test na yun. its a test of faith. kaya yan. shinjiru. :)

pero gutom na ako. inaantok pa nag mata. pero gusto kong magjogging. tapos kumain ng double dutch na ice cream, pero libre. tapos sobrang dami. plus chocolate chip cookies. heaven. pero shempre, saan pa ako makakakuha ng heaven na yun sa oras na to di ba?

take a day at a time. live each day as if it will be your last.

kung ganun, i-huhug ko na ang lahat ng puno sa mundo. 'save mother earth!'

teka, anlabo. bangag na nga ako.

ayos lang sa akin ang di matuloy sa ek, iniisip ko lang yung nararamdaman ng taong yun. sigh. paano naman kaya ako makakatulong? o ano kayang kaya kong sabihin o gawin na makakapagpa-cheer up sa kanya? haay. tulong, Lord..

how come may mga taong parang walang buto?

wala lang.

plans for may: (may na lang, april kasi ay ipon-lakwa-kahit-ano month ko. siguro.)
* milo level 2 - kelangan ko ng training, namimiss ko na eh. nakakatamad naman magtrain mag-isa.
* tuloy ang internship sa phivolcs. pero two weeks na lang. first two weeks - then comes the stips! yey. muhahaha.
* tuloy ang review classes? kung i-eenrol ako ng nanay ko sa study center in the first place. - pero shempre, magrereview na rin ako on my own. nakakabulok at nakakabobo sa bahay tapos wala ka lang ginagawa.
* a day for kat. :) meoww.. promises.
* may darating :) nagpromise sha.
* bili ng kahon. *cross fingers* or gitara. or bongos. or baka phone, pero malabo yun. nabubuhay naman ako ng walang phone ah.

grabe, ok, time to hibernate for a few hours. haha. ilang oras lang ang hibernation hours ko. baka mga 12 a day. :D

yakk, labo. ito na ata ang pinaka-bangag na entry ko sa blog na to. haha.

hindi ako depressed. :)

-krishna.02apr05.

grabe, inabot ako ng eypril 2 sa katatayp ng entri na to. huwaw. gud morneng.