dreaming insomniac

WARNING: insomniac awake and dreaming.

24.3.06

i confess.

ang galing talaga ng v for vendetta. may special thing sa letter ni valerie (tama ba?) para sa kin. wala lang.

narealize ko, at ready na akong aminin sa sarili, ang problema ko. na hindi ko naman sinasabi kahit kanino, kasi ang alam ko, wala namang makakintindi, wala namang makakatulong sa pag-ayos nito.

tulad ng nasa results ng colorquiz.com (its not that naka-base ang lahat ng to sa results ng test na yun, nagkataon lang na magkatugma sila ng realizations ko.) una, nagsisink in sa akin unti-unti ang failures na naexperience ko dulot ng kapabayaan. ngayon ko to tinatanggap, kung kelan may naisip na ako sa gusto kong mangyari sa buhay ko. dati kasi, wala lang akong paki kung pumangit ang records ng acads ko, ngayon, iba. dati, hinayaan ko lang na tumigil ako sa pagtugtog ng gitara at sa pag-aaral ng bagong mga kanta o kung ano pa man, ngayon nalulungkot ako na halos walang pinagbago sa kung anong kaya ko noong unang panahon pa. ngayon ko naiisip na dapat hindi ako tumigil sa ballet. na dapat hindi ko pinigilan ang mga kamay ko na magsulat at magdrowing. na dapat hindi ko inisip na malaking gambala sa pag-aaral ang passion for arts ko, kahit na ba pinabayaan ko lang din ang pag-aaral ko. mashado nang malaki ang nawala. mashado na akong maraming napalampas. pero ayos lang, kung gugustuhin ko, kaya ko. it's all a test of faith, and real strength. kaya kong bumawi, at gagawin ko yun.

pangalawang problema. amin na. im missing someone im not suppsed to miss this way. im longing for somebody im not supposed to long for. i have turned my back on this before, and im not supposed to turn around again. dito ako nahihirapan. ayoko na talaga. bakit ganito? may iba na sa picture, at mali pa to. bakit ngayon pa? bakit bumabalik? nakakainis. maybe i have been watching too much tv. the media shows too much of how much people need to be loved, too much of how happy people are when somebody they love love them back, of how joyful it is to the soul to have someone love you and you alone. I already have God, loving me just soo much, the way He loves everybody else. THAT should be too much for me, and it is. God's love is so much more than anything else that i could ever wish for. but why this feeling? why feel like asking for something not worth anything but bliss, short-lived happiness? why? WHY? help me, God. i wish not to feel this way any longer. i wish not to long for her this way. make me clean.

nothing is coincidence, so what's up with this hassle?

.krishna.23mar06.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home