dreaming insomniac

WARNING: insomniac awake and dreaming.

5.6.05

babay na.

Gigising siya nang madaling araw.
Tapos sasakay siya nang ikot jeep kasi masarap ang hangin tuwing umaga.
Tapos bababa siya sa harap ng Abelardo Hall. Tapos dun lang siya magdamag.
Tapos bandang alasingko nang hapon tatawag sa kanya yung syota niya.
Sasabihin sa kanya, "Nasaan ka.? Bakit di ka pumasok ngayon.?"
Tas ang sasagutin niya, "Nandito sa harap nang Abelardo Hall."
"Bakit.?"
"Para pagdumaan ka masilayan kita"
"Ano.?"
"Para pagdumaan ka masilayan kita."
"Huh.? Pero wala naman tayong usapan ah. Di mo naman sinabi na magkikita tayo."
"Sakali lang."
Tas yung syota niya, mag-iisip nang ilang segundo.
Tas hihintayin niya lang yon habang pinapanood yung bahaghari sa kanal na hindi niya alam kung saan nanggaling.
Malamang nanggaling yun sa langis na natapon.
Tas mapapansin nung syota niya yung katahimikan.
Pati na rin yung katotohanan na wala rin namang patutunguhan yung iniisip niya.
Pati narin na nag-ooverflow na yung tubig sa banyo.
Pati narin na pumapatak yung metro nang tawag niya dahil hindi na nga pala ten pesos per call sa PLDT.
Saka may nunal pala siya sa braso.
Tapos bago niya ibaba yung telepono, dahil ala narin naman talaga siyang masabi, sasabihin nalang niya,
"Ah."

*mithi. naaliw ako e. sana ayos lang na ipost ko to. n_n
-+reish.05may05.

paalam

paalam na, minamahal kong bakasyon..
hai.
may pasok na naman bukas.
junior na pala talaga ako. *surprise.*
ambilis ng panahon.. naaalala ko pa nga yung fieldtrip namin nung grade1 e. tapos may rollercoaster. gustung-gusto kong sumakay pero baka raw ma-heartattack yung guro ko, kaya di siya sumakay.
tsk. sayang naman. peyorit titser ko pa man din yun. pero wala lang.
may quiz na daw kami bukas. sa math4. ang una naming subject sa unang araw ng klase sa unang buwan ng pasukan para sa una at nag-iisa (sana naman no.) kong taon sa 3rd year. unang test.
una.
hai.
paalam na sa mga pahinga moments sa sobrang dami..
paalam sa libreng oras kung kelan pede akong magbasketbol o kayay manood ng sine o kayay matulog hanggang sa kelan ko gusto.
paalam na rin.
paalam..
shyet, andrama.. haha..
pero excited rin akonmg pumasok, somehow.. wala lang.
bagong grupo ng tao..
bagong mga guro..
bagong subjects..
bagong kulay ng pisay.
'uy.. kinakalawang na skul nyo?'
'hindi ah. masyado pang light yan para maging kalawang.. makakamouflage ang mga may bagong blouse. haha. buti na lang yung akin tila puti na.'
pero shempre, tulad ng marami, halos ayoko pa.
ayoko pang matapos ang pagpapahinga.
ayoko pang magpakabangag sa homeworks.
ayoko pang umakyat baba, akyat baba sa mga hagdan.
at
ayoko pang umalis ka.
ayoko.
pero ano bang magagawa ng 'ayoko'?
wala.
aray naman.
haii. anyway.
ang nahihirapan talaga akong gawin ay ng pumili ng elective.
gusto kong magrobo, pero di ako tech stream kaya malamang ay mahihirapan ako. pero ok lang, gusto ko ng challenge.
gusto kong mag-eng journ. pero pede naman akong magsulat nang magsulat kahit hindi ko to elective.
gusto ko magrobo. napapag-interesan ko to.
gusto kong mag-journ. may interes rin ako dito.
gusto kong mag robo. magagamit ko to. baka sa susunod ay palakarin ko na ang tv namin.
gusto kong mag-journ. magagamit ko to. baka mas maging ok ang mga sinusulat ko sa ingles.
parehas na gusto ko, parehas na may silbi. parehas na pedeng magchallenge sakin.. malamang..
pero alin ba ang dapat kong kunin?
tsk.
bahala na.
baka mag-survey na lang ako bukas.
miss na kita, alam mo ba?
-+reish.05june05.